

Pinangunahan nina Mandaluyong City Mayor Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang pagbukas ng City Protection Center for Women, Children, and LGBTQIA+ na itinayo ng pamahalaang lungsod sa Barangay Mauway. Magsisilbi itong pansamantalang tuluyan ng mga kababaihan, kabataan, o miyembro ng LGBTQIA+ na makararanas ng karahasan o pang-aabuso. Saksi sa pagbubukas ng gusali sina Congressman Boyet at Queenie Gonzales, at mga konsehal ng lungsod.