Inanunsiyo ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong na sinimulan na nito ang pagbahagi ng libreng rubber shoes, mga kagamitan sa eskwela, at uniporme para sa mga mag-aaral sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa lungsod.
Pinangunahan ni Vice Mayor Menchie Abalos at ng Sangguniang Panlungsod ang symbolic distribution ng mga school supplies at uniporme nitong Lunes sa flag raising ceremony sa city hall. Ang aktibidad ay kabilang sa Balik Eskwela 2024-2025 ng pamahalaang lungsod.
Ang mga bagong rubber shoes ay karagdagan sa leather shoes na naibigay na ng pamahalaang lungsod sa mga estudyante, gayundin ang mga school supplies tulad ng bag, diary, notebook, uniporme at medyas.
“Lahat nang gagamitin ng mga kabataang MandaleÃąo sa kanilang pag-aaral ay atin na pong kinumpleto. Wala na po silang gagawin kundi papasok at mag-aral sa kani-kanilang mga eskwelahan,” sabi ni Abalos.
Dagdag ni Abalos, ang bawat estudyante ay makatatanggap din mula sa pamahalaang lungsod ng reflectorized Go Bag. “Lagi itong dadalhin ng mga estudyante para sakaling sa sakuna o dumating ang tinatawag na “The Big One” ay handa sila.”
Ang mga rubber shoes, uniporme at school supplies ay tinanggap ng Schools Division Office-Mandaluyong na naatasan sa pamamahagi ng mga ito sa mga estudyante. Kasama sa mga tumanggap ay ilang mga estudyante ng lungsod.
Ang pamahalaang lungsod, sa pamumuno nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, ay naglalaan ng pondo kada taon para sa libreng school supplies, mga uniporme at sapatos para mabawasan ang gastusin ng mga magulang sa pagpapaaral sa kanilang mga anak. Tulong din ito para masigurong walang dahilan ang isang estudyanteng MandaleÃąo na hindi makapasok sa eskwelahan.
Namahagi rin ang pamahalaang lungsod ng mga tablets, printers at iba pa sa SDO na ibabahagi sa mga laboratory ng mga eskwelahan upang magamit ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.