

Ang Sangguniang Panlungsod ng Mandaluyong ay ipinasa ang Resolution No. 3629, Series of 2025 na nagbibigay ng pagkilala kay Mayor Ben Abalos para sa kanyang muling pagsilbi bilang ama ng Lungsod ng Mandaluyong noong July 1, 2022 at nakatakdang magtapos itong June 30, 2025.
Matatandaan na muling tinutukan ni Mayor Ben ang mga programang pabahay, edukasyon, kalusugan, at trabaho para sa buong MandaleÃąo na kanya nang nasimulan noong pumasok siya sa mundo ng pulitiko bilang unang mayor ng Mandaluyong noong 1986.
Malugod na tinanggap ni Mayor Ben ang pagkilala at sinabing ito ay hindi para sa kanya kundi para sa lahat ng mga empleyado ng city hall. Ayon kay Mayor Ben, ang mga empleyado ng city hall ang naging katuwang niya sa pagpapatupad ng mga programa para sa bawat MandaleÃąo at para sa mga susunod na henerasyon.