Ibinida sa programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, na pinamumunuan ni Mayor Ben Abalos, ang Schools Division Office (SDO) – Mandaluyong, sa ilalim ng pamumuno ni Schools Division Superintendent Dr. Romela Cruz at ang Addition Hills Integrated School (AHIS), na pinamumunuan ni Joseph Alegre, School Principal I, na nagkamit ng mga natatanging parangal sa katatapos lamang na Regional Search for the Most Outstanding School-Based Feeding Program (SBFP) Implementers para sa School Year 2023-2024.
Ang SBFP ay isang proyekto ng Department of Education (DepEd) na nakikipag-ugnayan sa ibaât ibang institusyon upang maisakatuparan ang layuning labanan ang malnutrisyon sa mga paaralan sa buong Pilipinas.
Kabilang sa mga parangal na natanggap ay ang mga sumusunod:
SDO-MANDALUYONG:
-Overall Most Compliant to SBFP Guidelines
-Most Compliant to SBFP Guidelines
SHIRLEY SESBRENO, SDO-MANDALUOYONG
-Best Division SBFP Implementer
-Most Outstanding SBFP Division Focal Person
-Best SBFP Division Focal Person
AHIS:
-Overall Champion SBFP Implementing School
-Overall Best SBFP Implementing School
JENNIFER ISIDRO, AHIS
-Most Outstanding School Feeding Coordinator
-Overall Champion SBFP School Feeding Coordinator
-Overall Best SBFP School Feeding Coordinator