Tampok sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, ang pagkakaloob ng sertipiko ng Continuing Professional Development Accreditation System (CPDAS) sa Schools Division Office (SDO)-Mandaluyong mula sa Professional Regulation Commission (PRC).
Kabilang sina DILG Secretary Benhur Abalos, Mandaluyong City Representative Boyet Gonzales, at 4Ps Partylist Representative JC Abalos na bumati sa panibagong programang nakamit ng SDO-Mandaluyong.
Ang pagkilalang ito ay makatutulong sa pagpapabilis ng proseso ng renewal ng professional license ng mga guro, at titiyak ng patuloy na mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga batang MandaleÃąo.