Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

SERVICE VEHICLES, IPINAMAHAGI SA ILANG TANGGAPAN NG MANDALUYONG LGU

Pinangunahan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang turnover ceremony ng service vehicles na ginanap sa lingguhang programa ng pamahalaang lungsod.

Kabilang sa mga ibinahagi ay ang dalawang H100 para sa City Epidemiology & Surveillance Unit (CESU)-City Health Department at City Social Welfare and Development Department (CSWD) na mula sa performance challenge fund (PCF) na ipinagkaloob ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ang PCF ay insentibo mula sa pagkakakamit ng lungsod ng ikapitong Seal of Good Local Governance (SGLG) nang nakaraang taon.

Mula naman sa pondo ng lokal na pamahalaang Mandaluyong ang anim na motorcycle para sa iba’t ibang departamento at ang tig-isang cargo truck at dropside van para sa General Services Department.

Ito ay upang patuloy na makapagbigay ng higit na epektibo at mabilis na serbisyong publiko para sa mga MandaleÃąo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *