Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

SISTERHOOD AGREEMENT SA PAGITAN NG MANDALUYONG AT LUBANG, NILAGDAAN

Tampok sa lingguhang programa ng pamahalaang lungsod ang pormal na paglagda sa Memorandum of Sisterhood Agreement nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos, Vice Mayor Menchie Abalos, at Lubang Municipal Mayor Michael Orayani, Vice Mayor Eugenio Guimba, na magsisilbing tulay sa pagtutulungan at pagpapatibay ng ugnayan ng dalawang lokal na pamahalaan ngayong ika-9 ng Setyembre 2024.

Saksi at kasamang nagpatotoo sa naganap na lagdaan sina 4Ps Partylist Representative JC Abalos, Sangguniang Panlungsod ng Mandaluyong, Sangguniang Bayan ng Lubang, mga Kapitan at department heads ng parehong pamahalaan.

Bilang ganap na kapatid na lungsod, nag-alay ang Mandaluyong ng iba’t ibang simbolikong regalo kabilang ang Susi sa Lungsod, maliit na rebulto ng maalamat na sina Manda at Luyong, Book of Ordinances at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *