Pinamunuan ni Mandaluyong City Mayor Ben Abalos ang pinakaunang mass civil wedding sa buong bansa na idinaos sa loob ng bilangguan. Saksi sa programa, na tinawag na ‘Kasalan sa Piitan,’ sina Vice Mayor Menchie Abalos, mga konsehal ng lungsod, at Bureau of Jail Management and Penology – National Capital Region (BJMP-NCR) Director Jail Chief Superintendent Clint Russel Tangeres, CESE.