Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

VICE MAYOR-ELECT ANTHONY SUVA NANUMPA SA TUNGKULIN

Nanumpa sa harap ni outgoing Mayor Ben Abalos si Vice Mayor-elect Anthony Suva bilang susuod na Vice Mayor ng Lungsod ng Mandaluyong.

Nagpasalamat si Vice Mayor Suva kay outgoing Mayor Ben Abalos, dating Mayor at DILG Secretary Atty. Benhur Abalos, Mayor-elect Menchie Abalos, at sa lahat ng Mandaleñong nagbigay sa kanya ng suporta at sinabing sisikapin niyang maging patas sa bawat posisyon, bukas sa boses ng tao, at matatag sa harap ng hamon.

Nanawagan din si Vice Mayor Suva sa buong Sangguniang Panlungsod na magkaisa sa layuning itaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng Mandaleño at itaguyod ang isang pamahalaang bukas, makatao at may malasakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *