Pinarangalan ang Wack-Wack bilang pinakamahusay na barangay sa Mandaluyong sa pagpapatupad ng Barangay Kalinisan Day (BARKADA) program na ipinatutupad ng Lungsod ng Mandaluyong at ng Department of the Interior and Local Government (DILG)
Ibinahagi ni Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos na bukod sa pagkilala ay nakatanggap din ang Wack-Wack ng P7,000.00 cash incentive.
Binigyan din ng parangal ang mga sumusunod na barangay bilang pagkilala rin sa kanilang mahusay na pagpapatupad ng BARKADA:
1st Runner-Up – Hulo
2nd Runner-Up – Old Zaniga
3rd Runner-Up – New Zaniga
4th Runner-Up – Namayan
Ang pagpapatupad ng BARKADA ay isa sa tatlong component projects sa ilalim ng Kalinga at Inisyatiba Para sa Manilnis na Bayan (KALINISAN) sa Bagong Pilipinas Program para sa 2nd Quarter CY 2024.