

Masayang ipinakilala ni Mayor Menchie Abalos ang mga kinatawan ng Mandaluyong CDRRMD Rescue Team, na bahagi ng West Sector Team, na tumanggap ng 2nd Runner-up award at Adaptability Award sa 2nd OCD Rescuelympics.
Ang tagumpay ng Mandaluyong CDRRMD Rescue Team ay bilang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2025.