Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang Special Program for Employment of Students (SPES) para sa 1,000 estudyante sa lungsod.
Pinangunahan ni Mayor Ben Abalos ang orientation ng unang batch na may 500 estudyante noong Lunes (June 3). Magtatrabaho sa iba’t ibang opisina ng pamahalaang lungsod ang mga nasabing estudyante na tatagal ng 20 araw.
Ayon sa Public Employment Service Department (PESO) ang susunod na batch ay magsisimula naman sa July 1.
Lahat nang makikinabang sa SPES ay makatatanggap ng allowance mula sa pamahalaang lungsod na kanilang gagamitin bilang karagdagang pondo para sa kanilang pag-aaral.