MANDALUYONG CHILDREN’S CHOIR, WAGI SA 2024 MAGNIFICAT

Isang parangal ang muling nasungkit ng Mandaluyong Children’s Choir matapos itong tanghalin bilang kampyeon sa nagtapos na Magnificat Choir Competition.

Ang patimpalak ay inorganisa ng University of Asia and the Pacific at itinanghal sa Tanghalang Pasigueño, sa Lungsod ng Pasig noong May 25, 2024. Kanilang inawit ang piyesang “Aba Po, Salve Regina” ni Ily Matthey Maniano at ang kanilang conductor ay si Sebastian Trinidad.

Ikinatuwa ni Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang  muling pagkapanalo ng Mandaluyong Children’s Choir at binigyang puri ang kanilang talento sa pag-awit.

“Sila yung mga batang pinagbuklod ni dating Mayor Benhur (Abalos) at ngayon ay Asian champion na,” sabi ni Mayor Ben. “Sila ang patunay na kapag ikaw ay nagpaka-dalubhasa ay magtatagumpay ka. Congratulations sa mga batang ito, kay Mr. Trinidad, at kay Benhur sa kanyng contribution sa ating lungsod.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *