Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

BAGONG EVACUATION CENTER BINUKSAN NG MANDALUYONG LGU

Pormal na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, ang bagong evacuation center na itinayo sa Barangay Addition Hills.

Kasama sa nasabing pagbubukas ng bagong pasilidad si Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Congressman Boyet Gonzales, dating Congresswoman Queenie Gonzales, mga konsehal ng lungsod, City Disaster Risk Reduction and Management Department Head Roald Arcangel at mga kawani ng City Social Welfare and Development Department.

Ang bagong evacuation center ay dinisenyo upang maging pansamantalang tuluyan ng mga Mandaleñong maaapektuhan ng kalamidad o mga hindi inaasahang sakuna. May limang palapag ang bagong evacuation center at maaaring maging pansamantalang tuluyan ng hanggang 400 pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *