

Taas-noong kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, si Captain Pilot Janah Kristine Zaplan, na nagtapos bilang cum laude sa Air Link International Aviation College. Ang kanyang tagumpay ay isang inspirasyon sa pagdiriwang ng 2025 Women’s Month—patunay sa husay at kakayahan ng kababaihan sa anumang larangan!