

Taas-noong kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, si Captain Pilot Janah Kristine Zaplan, na nagtapos bilang cum laude 🎖️ sa Air Link International Aviation College. Ang kanyang tagumpay ay isang inspirasyon sa pagdiriwang ng 2025 Women’s Month—patunay sa husay at kakayahan ng kababaihan sa anumang larangan!