Bumisita sa Lungsod ng Mandaluyong ang ilan sa local chief executives at ibang kasamahang opisyal na kabilang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa Fellowship Program on Social Cohesion and Resilience.
Sa benchmarking program na ito ay ipinakita ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ang dalawang award-winning programs, sa nutrition implementation at ang Project TEACH, at kung paano nito nakamit ang Nutrition Honor Award na iginawad ng National Nutrition Council-Department of Health, at ang Galing Pook Award mula sa Galing Pook Foundation para sa Project TEACH.
Ang aktibidad ay magkatuwang na isinagawa ng Department of the Interior and Local Government, The Asia Foundation, Galing Pook Foundation, Mandaluyong Council for the Protection of Children at Mandaluyong City Nutrition Committee.