Pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang traffic enforcers na sina Reynaldo Darlucio Jr. at Joselito Gutilban, dahil sa ipinakita nilang malasakit sa kapwa matapos agarang rumesponde at tumugon sa isang mag-aaral na humihingi ng tulong, na hindi nag-alinlangan at kanilang ginampanan na higit sa tungkulin.