MANDALUYONG LGU, NAGBIGAY NG KARAGDAGANG UNIPORME NG MGA TRAFFIC ENFORCER PARA SA TAG-INIT

Pinangunahan ni Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang simbolikong turn over ceremony ng mga karagdagang uniporme para sa mga traffic enforcers ng lungsod na akma sa nagpapatuloy na mainit na panahon.

Ang “summer uniform” ay tinanggap ni City Traffic and Parking Management Department (CTPMD) head Alex Santos. Ang isang set ng uniporme ay binubuo ng puting dri-fit na T-shirt na long sleeves, asul na short pants, asul na rubber shoes, at sumbrero.

Ayon sa pamahalaang lungsod ay kahit matapos ang panahon ng tag-init ay maaari pa ring magamit ng mga traffic enforcer ng lungsod ang nasabing uniporme kung kinakailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *