MANDALUYONG KARATEDO TEAM, INUWI ANG KAMPEONATO

Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang Mandaluyong Karatedo Team, matapos makamit ang 6 Gold, 3 Silver at 3 Bronze sa katatapos lamang na 5th Karate Pilipinas National Championship na ginanap sa Tagaytay Combat Sports Complex.

Tagumpay ring napili sina Robertson Gatongay, Rommel Dela Cruz Jr. at Carlos Miguel Malubay bilang kinatawan ng Pilipinas, sa gaganapin na Asian Karate Federation Championship o AKF sa Agosto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *