Pinangunahan nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Sultan Kudarat Governor Datu Pax Mangudadatu ang paglagda sa isang sisterhood agreement nitong Lunes (Hulyo 2). Saksi sa isinagawang paglalagda sina Vice Mayor Menchie Abalos, ang buong Sangguniang Panlungsod ng Mandaluyong, Vice Governor Raden Sakalura, Palimbang Municipal Mayor Joe Nime Kapina, Lambayong Municipal Mayor Ferdinand Agduma, Board Members, Department Heads, at ang buong Sanggunian ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sultan Kudarat.