Pinamunuan nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang pagbubukas ng bagong evacuation center sa Barangay Addition Hills. Ang gusali ay may limang palapag at may kabuuang kapasidad na 400 pamilya. Dumalo rin sa nasabing pagbubukas ng evacuation center sina DILG Secretary Benhur Abalos, Congressman Boyet Gonzales at dating Congresswoman Queenie Gonzales.