Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MANDALUYONG LGU NAGBIGAY PUGAY SA MGA PAMILYANG SUMAILALIM SA 4Ps

Pinamunuan nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang pagbibigay-pugay sa mga pamilyang matagumpay na sumailalim at nagtapos sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ipinakilala nina Mayor Ben at Vice Mayor Menchie sa flag raising ceremony ngayong araw ang mga pamilya nina Lucrecia Rangis, Elsa Francisco, Mercy Cordero, Jecelyn Oladive,  Erika Fernando, Melanie Encabo, at Analyn Redobante.

Si Aling Lucrecia ay isang solo parent mula sa Barangay Addition Hills at na-enroll sa 4Ps noong 2011. Natapos siya sa programa noong October 2024 kung saan sa loob ng 13 taon ay napagtapos niya ang kaniyang panganay ng kolehiyo at ngayon ay nagtatrabaho sa isang call center company. Tatlo pa sa kaniyang mga anak ay kasalukuyang nag-aaral.

Si Aling Elsa naman ay isa ring solo parent mula sa Barangay Addition Hills na pumasok sa 4Ps noong 2010. Sa loob ng 14 na taon ay napagtapos ang kaniyang panganay na si Bernalisa ng BS Psychology sa Rizal Technological University (RTU) at nagtatrabaho na sa Teleperformance bilang HR Assistant. Ang dalawa pa niyang mga anak ay kasalukuyang nag-aaral din.

Noong 2015 naman pumasok sa 4Ps si Mercy Cordero ng Barangay Barangka Drive at sa pag-graduate niya sa programa noong 2024 ay patuloy niyang pinapaaral ang kaniyang dalawang anak na parehong nasa kolehiyo.

Ang mga pamilya naman nina Jecelyn Oladive ng Barangay Addition Hills at Erika Fernando ng Barangay Poblacion ay parehong natapos sa programa noong 2024 at silang dalawa mismo ay nakapagtapos sa kolehiyo na magna cum laude.

Sa 4Ps din nabigyan ng pagkakataon na makatapos ng kolehiyo sina Melanie Encabo, empleyado ng CSWD-Mandaluyong, at Analyn Redobante, volunteer sa Unang Hakbang Foundation, katuwang ang iHelp Hub. Bukod sa  pagiging mga ina at may trabaho na ay hindi ito naging hadlang na sila ay makakuha ng diploma.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *