Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MANDALUYONG LGU, NAKIISA SA 2025 FIRE PREVENTION MONTH

Pinamunuan nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang pakikiisa ng lungsod sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso. Katuwang ng lungsod sa pagdiriwang ang Bureau of Fire Protection-Mandaluyong na pinamumunuan ni City Chief Fire Marshal Superintendent Nazrudyn Cablayan.

Ipinahayag ni Cablayan na ang BFP-Mandaluyong, sa tulong ng pamahalaang lungsod at ng opisina ni Congressman Boyet Gonzales, ay may sapat na mga kagamitan, tulad ng mga bagong radio communication device, pagtaguyod ng First Aid Service Team (FAST), mga emergency fire hose boxes na ikinabit sa mga barangay, at 54 na fire trucks na magagamit sa pagresponde sa mga insidente ng sunog sa Mandaluyong.

Kabilang din dito ang pagtayo ng Coast Guard Substation o Docking Station kung saan, katuwang ang Philippine Coast Guard, ay may nakatalagang dalawang fire boats na magagamit sa pagresponde sa sunog na matatagpuan sa kahabaan ng Pasig River na sakop ng Mandaluyong at mga karatig lungsod.

Ibinahagi din ni Cablayan na ang BFP-Mandaluyong ay kinilala bilang Best Performing Station, Best Pratice in Profiling, Most Inspection Conducted, Most Improved Inspection, Most Percentage Inspection, Most Improved Collection, at Highest Fire Code Fees Collected sa isinagawang Annual District Level Command Conference ng BFP-NCR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *