Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

MANDALUYONG LGU NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG NO SMOKING MONTH

Pinamunuan ni Mayor Ben Abalos ang pagdiriwang ng No Smoking Month ngayong buwan ng June sa buong lungsod katuwang ang City Health Department.

Hinikayat ni Mayor Ben ang mga Mandaleño na makiisa  sa kampanya ng pamahalaang lungsod na itigil na ang paninigarilyo at pag-vape na parehong may masamang epekto sa kalusugan ng tao.

Inihayag ni Dr. Benjamin Freddie Reyes sa flag raising ceremony na isa ang Mandaluyong sa mga local government units (LGUs) na aktibo sa pagpapatupad ng pagbabawal ng paninigarilyo at pag-vape. Patunay dito ang iba’t ibang hakbang ng pamahalaang lungsod katulad ng pagbabawal ng paninigarilyo at pag-vape sa mga pampublikong lugar ayon sa City Ordinance No. 944, S-2023 o ang Comprehensive Smoking and Vaping Ordinance, at pagpataw ng parusa sa mga indibidwal na lumalabag sa batas na ito.

Mayroon ding Smoking and Vaping Cessation Program ang lungsod, sa pamamahala ni Dr. Myra Ang, na tutulong sa mga indibidwal na nais huminto sa bisyo ng paninigarilyo at pag-vape

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *