

Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang Grandparents’ Week, sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, kasama ang mga pangulo ng Senior Citizens Association ng bawat barangay at ang Office for Senior Citizens Affairs (OSCA). Ang pagdiriwang na ito ay alinsunod sa Proclamation No. 757, s. 1996.
Bilang bahagi ng selebrasyon, nagbigay rin ang pamahalaang lungsod ng cash gift sa senior citizens na nagdiwang ng kanilang kaarawan kamakailan na sina:
🎂 Venus Odtuhan, 90, mula sa Barangay Hulo
🎂 Norma Salvahan, 95, mula sa Barangay Plainview
Iniabot din sa kawani mula City Environmental Management Department na si Maria Teresa Abad, na naging 60 taong gulang nitong Pebrero, ang kaniyang senior citizens ID at booklet.
Mabuhay ang ating mga lolo at lola – ang tunay na tagapag-ingat ng kasaysayan ng Mandaluyong!