

Personal na pinasalamatan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang Barangay Health Workers (BHW) at kanilang mga opisyal sa lingguhang programa ng Lungsod ng Mandaluyong, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Barangay Health Workers Week ngayong Abril.
Kaugnay nito, ginawaran din ng plake ng pagkilala ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) si Barangay Health Workers Federation NCR President Myrna Gaite bilang Legendary Barangay Health Worker ng Mandaluyong City.
Ito ay patunay sa galing at dedikasyon ng Mandaluyong at mga BHW sa pagbibigay ng serbisyong medikal para sa lahat ng MandaleÃąo.