Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

PAGPULONG SA MGA MALL ADMINISTRATION REPRESENTATIVES UKOL SA PAGHAHANDA SA DARATING NA PAGBUBUKAS NG MGA MALLS

Nakipagpulong ang ating mayora Menchie Abalos sa mall administration representatives para pag-usapan ang mga paghahanda sa pagbubukas ng mga mall kapag binaba na ang ECQ sa GCQ sa Metro Manila.

Inabisuhan sila ng ating mayora Menchie na sundin ang workplace safety and health guidelines alinsunod sa pinalabas ng DTI at DOLE, kasama dito ang masusing pag-screen sa mga papasok sa kanilang establisyemento, mandatory wearing of mask at physical distancing at iba pang measures kontra sa pagkalat ng COVID-19.

Hinikayat din sila na siguraduhing nasa maayos na kalusugan ang mga empleyado ng mall at magkaroon ng regular check-up sa health condition ng mga ito.

Hinihikayat rin ang lahat na manatili pa rin sa kani-kanilang mga bahay lalo na ngayong panahon na nakataas pa din ang ECQ sa buong Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *