293 JO EMPLOYEES NG MANDALUYONG GOV’T PROMOTED NA

Inanunsiyo ni Mandaluyong City Mayor Ben Abalos ngayong Lunes (March 11) na mayroong 293 job order employees (JO) ng pamahalaang lungsod ang nakahandang i-promote bilang casual employees.

Paliwanag ni Mayor Abalos na ayon sa batas, ang isang empleyado na may casual status ay makatatanggap na ng mga benepisyo tulad ng pagtaas ng sweldo, 13th month pay, at iba pa.

“Pinalad ang Mandaluyong dahil patuloy ang paglago ng pamahalang lungsod. At napapanahon din na bigyan ng pagkakataong umunlad ang 293 sa ating mga JO dahil sa patuloy nilang pagseserbisyo sa publiko,” sabi ni Abalos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *