ATLETANG MANDALEÑO, INUWI ANG KAMPEONATO

Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, kinilala ang Mandaluyong Jendo Association na lumahok at itinanghal bilang Over All Champion, sa ginanap na 6th In School Youth Martial Arts Games 2024, noong ika-18 ng  Pebrero.

Wagi ang pambato ng Mandaluyong at nagkamit ng 15 Gold, 14 Silver at 18 Bronze medals sa larangan ng Arnis, Jendo, Karate, Kuntaw at Taekwondo. Nanguna ang lungsod laban sa iba pang lugar na sumali sa kumpetisyon, kabilang ang buong NCR, Laguna, Cavite, Rizal, Pampanga, Bulacan, Bicol at Cebu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *