KARAGDAGANG MGA SMART LED TV PARA SA MGA SILID ARALAN SA MANDALUYONG MULA SA PAMAHALAANG LUNGSOD

Pinamunuan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang symbolic turnover ng mga smart LED television sa Schools Division Office (SDO) para sa mga pampublikong paaralan sa buong lungsod. Ito ay patuloy na pagtalima ng Lungsod ng Mandaluyong sa Matatag Agenda ng Department of Education (DepEd).

Ang 1,000 units ng smart LED TVs ay karagdagan sa 578 na nauna nang naipamahagi ng pamahalaang lungsod sa mga pampublikong paaralan. Ayon kay Mayor Abalos ay bawat silid aralan sa mga pampublikong paaralan lalagyan ng isang smart LED TV.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *