BATANG MANDALEÑO WAGI SA SINGAPORE GYMNASTICS INVITATIONAL 2024

Kinilala at pinarangalan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos si Kaylie Gonzalodo ng Barangay Wack Wack, matapos itong magwagi at nag-uwi ng dalawang medalya sa ginanap na Singapore Gymnastics Invitational 2024.

Nakamit ng 9 na taong gulang na gymnast ang 2nd at 3rd place, para sa larangan ng Floor Exercise at Balance Beam, laban sa iba pang koponan mula sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *