MANDALUYONG, BINIGYANG PARANGAL NG BIR

Tumanggap ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos mula sa Bureau of Internal Revenue-Regional District Office 41 (BIR-RDO 41) dahil sa patuloy na suporta at masigasig na pakikipag-ugnayan ng pamahalaang lungsod sa ahensya kaugnay sa mataas na koleksiyon at pagbabayad ng tamang buwis. Pinangunahan ni Revenue District Officer Mary Ann Canare ang pagbibigay parangal sa lungsod at paghahatid ng dagdag kaalaman patungkol sa mga programa ng BIR na may temang: “Sa Tamang Buwis, Pag-asenso’y Mabilis”, upang mas maging epektibo at mabilis ang serbisyo para sa mga Mandaleño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *