MANDALUYONG, PINARANGALAN ANG ILANG BARANGAY PARA SA EPEKTIBONG PROGRAMA KONTRA DROGA

Pinasalamatan at binigyang pagkilala nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang mga Kapitan, Kagawad at Bantay Bayan mula sa Barangay Barangka Drive, Plainview at Addition Hills para sa mga epektibong hakbang at programang isinasagawa nito upang sugpuin ang paggamit ng iligal na drogra.

Pinangunahan ni Barangka Drive Kap. Darwin Fernandez, Presidente ng Liga ng mga Barangay-Mandaluyong, Kap. Nerissa Garcia ng Brgy. Plainview at Kap. Carlito Cernal ng Brgy. Addition Hills ang paglalahad sa masusi at masipag na pagpatrolya ng mga kawani ng barangay, upang mapanatili ang kapayapaan at maging ligtas sa masamang bisyo ang mga nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *