Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

MANDALUYONG LGU, SINIMULAN ANG PAGBIGAY NG TDAP VACCINE SA MGA INANG BUNTIS

Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang pagbibigay ng tetanus, diphtheria at pertussis (TDAP) vaccine sa mga inang buntis sa buong lungsod.

Pinangunahan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, katuwang ang City Health Department, ang simbolikong pagbabakuna sa mga buntis na nanay matapos ang flag raising ceremony sa City Hall ngayong Lunes (May 6, 2024).

Ayon kay City Health Department head Dr. Arnold Abalos, nakita sa mga pag-aaral na nagbibigyan agad ng proteksiyon laban sa mga sakit na tetanus, diphtheria at pertussis (o whooping cough) ang mga ipinapanganak na sanggol kung ang mga ina ay binigyan ng TDAP vaccine sa kanilang third trimester.

Hinihikayat ni Mayor Ben at Vice Mayor Menchie ang lahat ng mga buntis na nanay sa lungsod na magpabakuna ng TDAP vaccine. Kabilang ang TDAP vaccination sa ipinatutupad na Safe Motherhood Program ng pamahalaang lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *