Tumanggap ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, ng dalawang 7-seater Van bilang insentibo matapos makamit ng lungsod ang 7th Seal of Good Local Governance o SGLG Award mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang nasabing mga sasakyan ay mapupunta sa Panlungsod na Kagawaran ng Kulturang Ugnayan, Turismo at Pagpapaunlad ng Isports, na makatutulong upang mas maging maayos ang transportasyon at pagtanggap ng lungsod sa mga bisita.