Mandaluyong LGU umani ng Gawad Kalasag Seal of Excellence

Ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ay ipinagkalooban ng prestihiyosong Gawad Kalasag Seal of Excellence ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa taong ito.

Tinanggap ni Vice Mayor Menchie Abalos bilang kinatawan ni Mayor Ben Abalos ang nasabing parangal nitong Lunes (December 11) sa Manila kung saan ginanap ang 23rd Gawad KALASAG National Awarding Ceremony.

Nakamit ng Mandaluyong ang Beyond Compliant rating na nangangahulugang labis na sumusunod ang lungsod sa mga itinakdang pamantayan sa pagtatatag at kakayahan ng kanilang LDRRMCOs sa ilalim ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 o Republic Act No. 10121.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *