Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

MGA NURSE, BINIGYANG PAPURI AT PASASALAMAT NG MANDALUYONG CITY

Ipinakita ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang pakikiisa nito sa pagdiriwang ng Nurses Week sa buong bansa sa pamamagitan ng pagbibigay pugay at pasasalamat sa mga nurse sa buong lungsod sa ginanap sa lingguhang programa ngayong araw.

Pinangunahan ni Vice Mayor Menchie Abalos ang pagpresinta ng lahat ng mga miyembro ng Mandaluyong Public Health Nurses Association, mga nurse ng Mandaluyong City Medical Center (MCMC), at mga nurse sa lahat ng health centers sa buong lungsod sa ilalim ng City Health Department.

Ipinaabot ni Vice Mayor Abalos ang pasasalamat ni Mayor Ben Abalos sa lahat ng ating nurses na kinikilalang mga bayani dahil sa ipinapamalas nilang paglilingkod sa bayan lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *