Sa ika-30 Anibersaryo ng Pagpapatibay ng Pagkalungsod ng Mandaluyong ay kinilala at binigyang parangal ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, ang mga miyembro ng 1st at 2nd Municipal Council ng Mandaluyong, alinsunod sa City Resolution No. 3412 S. 2024, na sina dating Councilor Rene Sta. Maria, Councilor Gerardo Roldan, Councilor Roberto Francisco, Councilor Ram Antonio, Councilor Boy Esteban, Councilor Julio De Quinto, Councilor Arnold Lugares. Gayundin, ang pagkilala kina dating Vice Mayor Mon Guzman, Councilor Ciso Bernardo, Councilor Fred Gonzales, Councilor Naning Vicencio, Councilor Pablito Gahol, Councilor Eng Asistio, Councilor Elmer Santos, Councilor Felix SeriÃąa, Councilor Luisito Pillas, Councilor Felipe Pablo, Councilor Dr. Arsenio Abalos (Professional Sector), Councilor Benjamin Lugares (Industrial Sector), at Councilor Luisito Casten (ABC President) ay tinanggap ng kani-kanilang kaanak.
Kinilala rin ang naging mahalagang gampanin nina Mayor Ben Abalos, dating Congressman Ronaldo Zamora, at late Senator Neptali A. Gonzales na kinatawan ni Congressman Boyet Gonzales.