MANDALUYONG TUMANGGAP NG MGA BODY CAMERA MULA SA MMDA PARA SA SINGLE TICKETING SYSTEM.

Pormal na tinanggap nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang 100 body cameras mula kay MMDA General Manager Procopio Lipana, Assistant General Manager David Angelo Vargas, at Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II bilang hudyat ng pagpapatupad ng single ticketing system (STS) sa National Capital Region. Sa ilalim ng STS ay pinag-iisa nito ang proseso ng paghuli sa mga motoristang lumalabag sa batas trapiko pati ang mga multa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *