SINGLE TICKETING SYSTEM SA NCR INILUNSAD SA MANDALUYONG CITY

Kaisang lumagda sa kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office sa pagpapatupad ng Single Ticketing System o STS sa National Capital Region.

Inilunsad ang programa sa Lungsod ng Mandaluyong nitong Lunes (March 11) na pinangunahan nina Mayor Ben Abalos, Vice Mayor Menchie Abalos, MMDA General Manager Procopio Lipana, Assistant General Manager David Angelo Vargas, at Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II.

Kaugnay nang paglunsad ng STS ay ipinakita ni Mayor Abalos ang 100 body cameras na binili ng pamahalaang lungsod at ipinamahagi ito sa traffic enforcers. Ang mga nasabing camera ay gagamitin kasama ang ticketing devices para sa transparent na pagpapatupad ng STS sa Mandaluyong.

Ayon Mayor Abalos, ang mga ticketing device at body camera ay makatutulong na mapadali ang proseso ng paghuli ng mga lumalabag sa batas trapiko. “Dahil sa STS ay magkakaparehas na ang multa ng mga lungsod dito sa NCR.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *