

Ginawaran ng pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, ang mga Bantay Bayan mula sa Barangay Barangka Itaas, Mabini-J. Rizal at Hagdan Bato Libis para sa pagganap ng tungkulin kaugnay sa programa ng Department of the Interior and Local Government na BIDA o Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan.
Kasama rin tumanggap ng pagkilala ang mga kasalukuyang namumuno sa nasabing mga Barangay na sina Kap Boggs Camacho, Kap Antonio CastaÃąeda at Kap Danilo Torres.