PILING ESTUDYANTE SA MANDALUYONG NAGPAKITANG GILAS SA BUWAN NG PANITIKAN

Ilang mga piling estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Mandaluyong ang nagpamalas ng kanilang galing sa pag-awit at pagbigkas bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan.

Tatlong estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod ang umawit ng kantang “My Heart Will Go On” sa wikang French, Nihongo, at Mandarin. Sa kabilang banda naman ay isang oral reading and interpretation ng “The Anatomy of a Filipino” ang ibinahagi ng ilang estudyante mula sa Mandaluyong High School. At bilang pagtatapos ay isang Grade 4 student mula sa Doña Basilisa Yangco Elementary School ang ipinamalas ang kanya galing sa declamation. Pinasalamatan ni Mayor Ben Abalos ang lahat ng mga guro sa mga paaralan sa lungsod at ang bumubuo sa SDO Mandaluyong sa kanilang masigasig na pagtuturo at pagpapalaganap ng panitikan sa mga kabataang Mandaleño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *