Binigyang pansin at idinaos ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ang Skills Enhancement Training for Barangay VAW, ASH and Main Desk Officers, sa Ciara’s Events Place noong ika-1 ng Abril.
Layunin ng programang ito na palawigin at pagtibayin pa ang kaalaman ng mga Violence Against Women (VAW), Anti-Sexual Harassment (ASH) at Main Desk Officers, patungkol sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, Safe Spaces Act at City Ordinance No. 922, S-2023 o ang “Safe Spaces Ordinance” na naglalayong tiyakin na anumang pampublikong lugar ay isang ligtas na lugar laban sa sekswal na panliligalig na nakabatay sa kasarian (gender-based sexual harassment). Dinaluhan din ang programang ito ng iba’t ibang mga opisyal sa lungsod upang magbigay ng kalinawagan at mahahalagang paalala sa paghawak ng mga natatanggap na kasong may kaugnayan sa nabanggit na mga batas.