SAMAKABA, 34 TAON NA

Nakiisa sina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos sa pagdiriwang ng ika-34 taong anibersaryo ng Samahan sa Mandaluyong ng mga Kagawad ng Barangay o SAMAKABA. Ang organisasyong ito ay binubuo ng mga kagawad mula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Mandaluyong na naglalayong  magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan sa mga proyektong nagpapaunlad ng kanilang mga nasasakupan.

Kinilala rin sa pagdiriwang na ito, ang mga opisyal at board members na pinangungunahan ni Kagawad Kent Faminial, ng Barangay Addition Hills, na nahalal na Presidente ng Samahan.

Dumalo rin sa nasabing selebrasyon si dating Kagawad Blanca Romero, ang mismong nagtatag ng SAMAKABA noong 1990, at ng iba pang dating namuno, kabilang sina dating kagawad Flor De Leon, Michael Garcia, Bhong Flores at Kapitan Ricky Ogbac.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *