2 Mandaleño, Nagkamit ng Ani ng Dangal National Award

Binigyan ng pagkilala at parangal nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos sina Sam Manacsa at Albert Emir Reyes, matapos gawaran ng prestihiyosong Ani ng Dangal National Award ng National Commission for Culture and the Arts, sa katatapos lamang na Buwan ng Pambansang Sining.

Si Sam na mula sa Barangay Highway Hills ay kinilala bilang 2024 Ani ng Dangal Awardee for Cinema, ito ay dahil sa pagkamit ng Best Director for “Cross My Heart and Hope to Die”, na lumahok sa Southeast Asian Short Film Competition sa 34th Singapore International Film Festival.

Samantala, tinanghal naman si Albert ng Barangay Plainview bilang 2024 Ani ng Dangal Awardee for Visual Arts, matapos manguna at makuha ang 1st Prize sa naganap na 30th Edition of International Fine Arts Competition 2023 sa France.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *