MANDALUYONG, ALAMINOS LUMAGDA SA SISTERHOOD AGREEMENT

Nilagdaan nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Municipality of Alaminos Mayor Glenn Flores ang sisterhood agreement sa pagitan ng dalawang LGU. Layunin nitong mapadali at mapaigting ang pagkikipag-ugnayan ng dalawang lokal na pamahalaan hinggil sa palitan ng mga ideya at pagbabalangkas ng mga batas, programa, at mga serbisyo para sa publiko. Saksi sa paglagda sa kasunduan ang mga bise alkalde, konsehal, barangay captain, at iba pang mga opisyal ng bawat LGU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *